talaga, ipopost ko ito sa tumblr dahil malamang, follower kita dito. oo, totoo yan. naaawa talaga ako sa sarili ko kasi walang nagmamahal sa akin dahil sa asal skwater ako at mahilig ako magpapansin. hindi mo na kailangan sabihin yan dahil matagal ko na ngang alam. sabi ko nga, huli ka na sa balita. tama ka rin, ang pangit ko, mukha akong paa at taong grasa na frustrated model. wala naman talaga nagsabi na pwede ako magmodel. hindi naman ako nagmomodel dahil pumoposing ako. dalawang magkaibang bagay yun. ang cheap ko? walang masama sa pagiging cheap kung praktikal naman ako. totoo rin yan dahil sa ukay ukay at divisoria ako namimili. hindi ako trying hard. bakit ako tatambay sa malalaking malls kung wala naman akong pera? pampasikip lang ako dun. ako alam ko sa sarili ko na sigurado ako na kapag namili ako bibili talaga ako at hindi ako nagwiwindow shopping lang. totoo rin yan na puro mumurahin ang gamit ko dahil nagiipon ako, may pinaglalaanan ako. eh ikaw? nagrerenta ka lang ng computer sa net cafe. kung ako sa iyo ipangkain mo na lang yan.
natutuwa ako makipagusap sa mga taong tulad nito dahil lumalabas na mas matalino ako.
